Road safety at IT hub ng LTO, bukas na sa publiko

Road safety at IT hub ng LTO, bukas na sa publiko

BINUKSAN na ng Land Transportation Office (LTO) ang kanilang road safety at IT hub sa tanggapan nito sa Quezon City.

Tampok dito ang mga state-of-the-art facility kung saan ang publiko at ang mga mag-aaral ay maaaring masubukan ang iba’t ibang educational at interactive stations na mayroong driving simulators para sa two at four-wheeled vehicles.

Mayroon ding mga laro kaugnay sa road signs, warnings, at regulatory signages.

Kasama rin ang 4D mini theater kung saan ipinapalabas ang mga informative video tungkol sa child safety, teen driving, pedestrian safety, vehicle theft, at iba pa.

Binigyang-diin naman ni Transportation Secretary Jaime Bautista  na ang pagbubukas ng IT hub ay layong mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga kabataan hinggil sa kaligtasan sa daan.

Kasunod na rin ito sa ulat ng World Health Organization (WHO) na umaabot sa higit 1,600 kabataan ang namamatay kada taon dahil sa aksidente sa kalsada.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble