Rollback sa ilang produktong petrolyo, ipatutupad sa Martes

Rollback sa ilang produktong petrolyo, ipatutupad sa Martes

ASAHANG ipatutupad sa araw ng Martes ang rollback sa ilang produktong petrolyo ng mga kompanya ng langis.

Sa pagtataya ng Unioil, may bawas-presyo sa kada litro ng gasolina mula P1.10 hanggang P1.30 habang P1.70 hanggang P1.80 naman sa diesel.

May rollback din na P1.90 hanggang P2.20 sa kada litro ng kerosene.

Ayon sa Department of EnergyOil Industry Management Bureau, bumagsak ang presyo ng mga naturang produkto kasunod ng pagsasara ng mga bangko sa Amerika.

Asahan naman ngayong araw ang anunsiyo ng ilang kompanya ng langis sa kanilang pinal na price adjustment.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter