NAKAAMBA muli ngayong linggo ang rollback sa presyo ng produktong petrolyo.
Base sa estimated price ng Unioil Petroleum Philippines, posibleng bababa mula P1.90 hanggang P2.10 ang kada litro ng gasolina.
Habang mula P1.70 hanggang P2.00 ang matatapyas sa kada litro ng diesel at mula 1.30 hanggang P1.60 naman sa kada litro ng kerosene.
Batay sa huling oil price monitor ng Department of Energy (DOE) ngayong taon, ang net increase ng kada litro ng gasolina ay umabot na sa P17.75, P33.85 sa diesel habang P27.85 sa kerosene.