Roque: Hindi sinadya ang pagkabaliktad ng watawat ng Pilipinas sa isang drone show

Roque: Hindi sinadya ang pagkabaliktad ng watawat ng Pilipinas sa isang drone show

NANINIWALA si dating Palace Official Atty. Harry Roque na hindi sinadya ang baliktad na kulay ng watawat sa isang drone show sa Palarong Pambansa.

Kaugnay ito sa plano ng Marikina City na pakakasuhan ang DroneTech Ph dahil dito.

Sa panig ng DroneTech, humingi na ito ng public apology at sinabi na hindi nila ito sinadya.

Sinubukan na rin nilang ayusin ang nabaliktad na watawat ngunit nabigo sila dahil sa masamang panahon at signal interference.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble