Roque tinawag na walang alam sa batas si Hontiveros sa isyu ng WPS

Roque tinawag na walang alam sa batas si Hontiveros sa isyu ng WPS

BINABALAK ngayon ni Sen. Risa Hontiveros na paimbestigahan sa Senado ang umano’y ‘gentleman’s agreement’ nina dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Chinese President Xi Jinping.

Ayon sa senador na kilalang Anti-Duterte, ‘treasonous’ o kataksilan ang umano’y kasunduan ng dalawang lider dahil mistulang isinuko ni Duterte ang soberaniya ng Pilipinas sa China.

“This ‘gentleman’s agreement’ is treasonous. While China, in any case, will most likely attack our resupply missions en route to Ayungin, this sham of an agreement only gave Beijing more ammunition to assert her baseless claims. Kung totoo ang kasunduan, mukhang isinuko nga ni Duterte ang teritoryo ng Pilipinas,” ayon kay Sen. Risa Hontiveros [April 3, 2024].

Para naman sa dating tagapagsalita ni Duterte na si Atty. Harry Roque, wala talagang alam sa batas si Hontiveros sa paggamit nito sa salitang ‘treasonous.’

“Nagsalita na naman! Aba ang sabi ni Honti-virus? Treason daw ‘yung ginawa ng Presidente na gumawa ng paraan hindi matigil ang pagde-deliver ng tubig at pagkain sa ating kasundaluhan! Unang-una ha? Pwede ba? Mambabatas ka naman. Hindi naman requirement na ikaw ay abogado para maging mambabatas. Pero dahil ikaw ay tinanggap mo ‘yung trabaho yan, kinuha mo ‘yan ano at hiningi mo ang mandato ng taumbayan, dapat naman alam mo kung ano ang batas! Ang treason po, hindi po pupwedeng magkaroon ng treason kung walang giyera,” pahayag ni Atty. Harry Roque, International Law Expert.

Punto pa ni Roque, dahil walang giyera—walang treason na nagaganap.

Bagay na dapat aniya alam ni Hontiveros bago magpasikat.

“Ibig sabihin, ‘yang treason po ay isang war crime na… Hindi po war crime but it can only be committed in times of armed conflict,” diin ni Atty. Roque.

“Lahat po ng magbasa ng revised penal code alam na wala pong treason kung wala pong giyera. Kasi yoong treason nga eh sa panahon ng giyera kumikiling ka sa kalaban. So Senator, sana naman kahit hindi naman kinakailangan maging abogado ang senador eh alamin naman natin ang batas! Kasi paano ka makagagawa ng batas kung hindi mo alam kung ano ‘yung umiiral na batas,” diin ni Roque.

Nilinaw naman ni Roque na inilakad noon ni Duterte kay President Xi na magpatuloy ang delivery ng pagkain at supplies sa mga sundalong naka-istasyon sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Ito’y kahit nanindigan ang China na bawal magdala ng construction materials ang Pilipinas sa BRP Sierra Madre.

Kaya bawat dala ng construction materials, binobomba ng tubig ng Chinese Coast Guard ang resupply boats ng Pilipinas.

“Ang realidad, kung hindi talaga nagdala ng construction materials sa loob ng anim na taon sa panahon ni Presidente Duterte, matagal nang sigurong lumubog ‘yan. Ang pagkakaiba noon at ngayon, dinidiskartehan nga po. Eh ngayon? Nilalantaran! Bakit? Kasi nga gusto nilang uminit dahil ang buong akala nila, reresbak sa atin ang mga Amerikano,” aniya.

Naniniwala naman si Roque na hindi papasok sa giyera ang Amerika para sa Pilipinas.

Lalo pa’t nagkausap kamakailan sina President Xi at US President Joe Biden.

Pilipinas, hindi gaanong mahalaga sa Amerika para giyerahin ang China—Atty. Roque

“Ngayon pa sila para makipag-giyera dahil lang sa isang bulok na barko sa Pilipinas? Naku naman po! Gumising kayo sa katotohanan. Hindi naman po tayo ganoon ka-importante sa mata ng mga Amerikano. Hindi po nila gi-giyerahin ‘yung bansa na numero unong trading partner nila at numero unong investor nila at numero unong pinagkakautangan nila. ‘Yan po ang katotohanan!” dagdag pa ni Roque.

Follow SMNI NEWS on Twitter