ROTC curriculum, ituturo sa Grade 11 at 12 – DND

ROTC curriculum, ituturo sa Grade 11 at 12 – DND

INILATAG ng isang opisyal ng Department of National Defense (DND) ang mga ituturo sa mga kabataan kung maibabalik ang mandatory ROTC sa education curriculum ng bansa.

Sa pagdinig ng Kamara para sa 2023 proposed budget ng DND, sinabi ni Usec. Ignacio Madriaga na ituturo ang pagmamahal sa bayan, disaster resilience, pagsunod sa batas trapiko at kasaysayan ng Philippine military sa panukalang ROTC curriculum.

Pinawi rin ni Madriaga ang pangamba ng mga magulang na baka martsa-martsa lang ang gagawin sa ROTC program dahil sesentro ang training kung papaano magiging mabuting mamamayan ang isang estudyante.

“Ang intensyon po nito na bigyang kaalaman ang ating mga kabataan tungkol po sa patriotism, sa pagiging mabuting mamamayan,” ani Madriaga.

Diin din nito na kasama sa programa ang drug awareness at ituturo din ang history ng mga giyerang pinagdaanan ng bansa at ang pagpasyal sa mga historical site.

Saad pa ni Madriaga na mahalaga ang ROTC,

“Para malaman nung ating mga kabataan ngayon na sila ay may papel, na malaking papel upang pangalagaan ang ating bayan sa anumang pangangailangan, sakuna man po ito o panahon ng digmaan.”

Follow SMNI NEWS in Twitter