Royal Air Philippines, maglulunsad ng Davao-Hong Kong na ruta

Royal Air Philippines, maglulunsad ng Davao-Hong Kong na ruta

MAGKAKAROON na ng DavaoHong Kong na ruta ang Royal Air Philippines.

Sa anunsiyo ng kompanya, magsisimula ang naturang ruta ngayong Oktubre 8.

Ayon kay Mindanao Development Authority (MinDA) Secretary Maria Belen Acosta, isa itong mahalagang pangyayari para sa mga traveler at sa airline industry ng Mindanao.

Matatandaan na kamakailan lang ay inalis ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang national emergency sa Mindanao na itinaas noon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte dahil sa lawless violence sa rehiyon.

Partikular na dito ang nangyaring bigong pagkubkob ng teroristang Maute Group sa Marawi at ang iba pang insidente ng pagpapasabog sa ilang lugar sa Mindanao.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble