NATAMAAN na ng Russia ang ilang mahahalagang imprastraktura sa Ukraine at isa na rito ang kanilang energy infrastructure facility.
Batay ito sa ulat ng Ukraine Air Force nitong Martes, Disyembre 3, 2024.
Sa kabila nito ay iniulat din nila na 22 sa 28 Russian drones ang kanilang matagumpay na napabagsak.
Tatlong Russian kh-59/69 cruise missiles din ang kanilang naharang sa lungsod ng Krivoy Rog, Central Ukraine.
Naniniwala ang Ukrainian Forces na tinatarget ng Russia ang kanilang mga energy grid upang mapahirapan ang buong Ukraine ngayong winter season.