Russian at Belarusian athletes, hindi na sasali sa Opening Ceremony ng 2024 Paris Olympics—IOC

Russian at Belarusian athletes, hindi na sasali sa Opening Ceremony ng 2024 Paris Olympics—IOC

HINDI na sasali sa Opening Ceremony ng 2024 Paris Olympics ang Russian at Belarusian athletes kahit pa maglalaro ang mga ito sa event.

Ayon ito sa International Olympic Committee (IOC).

Paliwanag ng IOC, maglalaro ang mga ito bilang atleta na neutral o walang inirerepresenta na bansa kung kaya’t hindi na kailangan pang sumali sa parade of delegations at teams.

Noong Pebrero 2022 ay “banned” na ang mga atleta mula sa Russia at Belarus sa anumang sporting event simula nang magkaroon ng Russia-Ukraine war.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble