NANGYARI ngayong linggo ang pinakamalaking event ng Software as a Service (SaaS) providers at startups sa bansa.
Ito ay ang SaaSCon Conference 2023 sa pangunguna ng Sprout Solutions sa Marriot Hotel.
Dito, nagsama-sama ang lahat ng SaaS providers, founders at investor’s para hanapan ng solusyon ang problema ng Filipino consumers.
Kasama rin sa pinag-usapan ang global state ng SaaS at ang paggamit ng Artificial Technology (AI) ngayong taon.
“Ang ibig sabihin ng SaaS is Subscription as a Service di ba? It’s creating software which you can subscribe to on a regular basis. Yung kagandahan ng Pilipinas, you know marami tayong mga problema. But yan po ang ginagawa ng mga start-up, to solve other people’s problems di ba?” sabi ni RJ Ledesma, Editor-in-Chief, The Business Manual.
Halimbawa ng SaaS apps na ginagamit ngayon ng mga Pilipino ay ang GCash at Netflix.
Pati na ang Zoom, ang app na ginagamit kadalasan sa virtual meetings at iba pa.
Layon ng SaaSCon 2023 na pag-isahin ang lahat ng sponsors, providers at start-ups para makapaglikha ng mga bagong apps na pakikinabangan ng mga Pilipino.
“We solve it by creating mga apps- app solutions. At kung ikaw ay pupunta dito ngayon sa ating SaaSCon, you’ll find many different solutions on how to solve problems in the Philippines. Kasi many of our problems, Problems are just irritations; irritations are your inspiration to create solutions. Dahil kung maso-solve ko yung ating irritation, diyan ako kikita ng pera,” dagdag ni Ledesma.
Buhat nang tumama ang pandemya sa bansa, malaking bilang mga Pilipino ang naging reliant sa SaaS apps sa larangan ng pamumuhay.
Halimbawa rito, ang online selling at delivery.
“When you think about how the pandemic has shifted the mindset of businesses here, it’s natural that SaaS adoption is exploding in the country,” ayon kay Patrick Gentry, CEO & Co-Founder, Sprout Solutions.
Samantala, sa conference ay inanunsiyo ni DICT Sec. Ivan John Uy na popondohan ng pamahalaan ang piling start-ups na magbibigay ng impact sa Filipino consumers.
Tiniyak naman ng organizers ng event na hindi ito ang huling SaaS Conference sa bansa.
Dahil mahalaga ang mga ganitong event para sa digitalization ng mga Pilipino.
“So kung maganda yung start-up mo at pagpalagay ko may katuturan yung start-up mo para sa nation building di ba? Then it might be something that they will actively fund to grow,” ani Ledesma.
“What’s the participation? Well, the 700 people are here, business leaders, public sector leaders. A whole very diverse interesting group is here today,” ayon kay Richard Mills, Chairman, Asia CEO Awards.
“Actually, ang nag-start ng event na ito ang SaaSCon is actually the Sprout Solution kasi yan ang kanilang negosyo, it’s about technology. Then they approached us, our job is to really help them, to link them to different industry para atleast mapakinggan sila kasi alam nila yung aming connection. So we can connect lahat ng industriya para atleast maging successful,” pahayag ni Rebecca Bustamante, President-Asia CEO Awards.