Sabwatan ng kompanya ng lumubog na barko at ilang govt. officials, nakikita ng DOJ

Sabwatan ng kompanya ng lumubog na barko at ilang govt. officials, nakikita ng DOJ

NAKIKITA ng Department of Justice (DOJ) ang sabwatan ng kompanya ng lumubog na barko at ilang govt. officials

KUMBINSIDO ang Department of Justice (DOJ) na nagkaroon ng “falsification of public documents” sa operasyon ng MT Princess Empress na lumubog sa karagatan ng Oriental Mindoro na nagdulot ng oil spill.

Ipinaliwanag ni DOJ Undersecretary Raul Vasquez na kung pagbabatayan ang resulta ng imbestigasyon ay ang dalawang regional officers ng MARINA sa Bicol Region ang lumagda sa mga pinekeng dokumento ng RDC na may-ari ng barko.

Kaugnay nito ay nilinaw naman ni Vasquez na hindi pa nagtatapos sa mga opisyal ng MARINA – Region 5 ang imbestigasyon dahil hindi pa lusot ang administrator ng MARINA at mga opisyal ng Philippine Coast Guard.

Samantala nilinaw ng DOJ na kaya natagalan ang paghahain ng reklamo laban sa RDC Reield Marine Services at ilan pang mga respondents ay dahil tinapos muna ang clean-up ng oil spill.

Ito aniya ay dahil napakaraming mga residente sa Pola Mindoro at mga kalapit na munisipalidad at mga syudad ang labis na naapektuhan ng oil spill.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter