TINALO ng San Miguel Beermen ang Rain or Shine Elasto Painters sa nangyaring quarterfinals game nitong Enero 19, 2024 sa iskor na 127-122.
Dahil dito, aabante na ang Beermen sa semis subalit exit na ang Elasto Painters sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup.
Maaaring makakalaban ng Beermen sa susunod na game ang Barangay Ginebra o Northport.
Samantala, posibleng ang quarterfinals game na ito sa pagitan ng Beermen ang huling laro ni James Yap bilang player ng Rain or Shine Elasto Painters.
Sa ulat ng spin.ph, hindi na nag-renew ng kontrata si James sa pagitan ng Rain or Shine lalo na’t pinipili na rin ngayon ng koponan ang mas batang mga manlalaro.
Maaaring babalik din si James sa dating koponan niyang Magnolia hotshots upang makapaglaro pa ito ng isa pang game.