MULING bumisita sa Pilipinas si Sandara Park at inamin nito na first time tumungo sa Clark, Pampanga.
Malapit nga sa puso ng South Korean singer na si Sandara Park ang Pilipinas!
Isang patunay na naman ay ang pagbisita nito sa bansa partikular na sa Clark, Pampanga nitong Martes, Hunyo 6, 2023.
Sa kaniyang social media post, sinabi ni Sandara na first time niyang makabisita sa Clark dahil palaging diretso Subic aniya siya kung pupunta ng Pampanga.
Noong February ngayong taon ay inanunsiyo na ni Sandara na magri-release ito ng kaniyang solo album.
Subalit mukhang ang pagpunta ng singer sa Pilipinas ay hindi para dito.
Posibleng isang shoot para sa variety show na “Idol Truck” ang ginawa ni Sandara dahil nakita rin itong kasama ang kapwa K-pop idols na sina Jinu ng Winner; Aron at JR ng Nuest; at ang rapper na si Dindin.