Sandiganbayan at Court of Appeals, tumatanggap na ng mga aplikante para maging Associate Justice

Sandiganbayan at Court of Appeals, tumatanggap na ng mga aplikante para maging Associate Justice

KINUMPIRMA ng Judicial and Bar Council na tumatanggap na sila ng mga aplikante para sa mga nais na maging Associate Justice sa Sandiganbayan at Court of Appeals.

Ayon sa JBC, dalawang pwesto sa Court of Appeals ang kasalukuyang bakante dahil nagretiro na sina Associate Justice Victoria Isabel Paredes at Edwin Sorongon.

Samantala isa naman ang bakanteng pwesto sa Sandiganbayan matapos ang mandatory retirement ni Associate Justice Rafael Lagos.

Sinabi ng JBC na sinumang mga interesado ay mayroong hanggang August 12 para magsumite ng kanilang application pati mga requirements sa pamamagitan ng JBC online registration and application system.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble