Sanib-pwersa ng QC LGU at PNP vs iligal na droga, pinaigting

Sanib-pwersa ng QC LGU at PNP vs iligal na droga, pinaigting

SINISIKAP ng Pambansang Pulisya na makakamit ang matatag na peace and order sa pamamagitan ng pagpapatupad ng programa nitong KASIMBAYANAN.

Ang KASIMBAYANAN ay isang programa na nagbubuklod sa Kapulisan, Simbahan, at Pamayanan para tugunan ang problema sa iligal na droga krimen at iba pa.

Araw ng Lunes nang isinagawa ang paglalagda ng memoramdum of agreement (MOA) sa pagitan ng mga pulis at mga barangay sa ilalim ng lokal na pamahalaan ng Quezon City.

Katuwang ang simbahan, tinitiyak ng programa ang mas maigting kampanya laban sa iligal na droga at pagsawata sa problema ng kriminalidad dito.

Sa kanyang talumpati, nanindigan si PNP chief Police General Rodolfo Azurin, Jr. na may malaking papel na ginagampanan ang pagtutulungan ng lahat na huwag tangkilikin ang iligal na droga at anumang uri ng kriminalidad para sa mas mabilis na pag unlad ng isang lugar’.

Dahil dito, inaasahan ang pag-usbong ng turismo at posibleng makahiyat pa ng mas maraming mamumuhunan sa bansa.

Pinasalamatan naman ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang kapulisan dahil mas dumami at lumakas pa ang pwersa nila sa layuning mapababa ang krimen sa buong Quezon City sa tulong ng kapulisan.

Bukod sa Quezon City, marami na ring mga lungsod at bayan sa bansa ang nagpahayag ng suporta sa programang ito ng PNP.

Sa katunayan, katuwang ng ahensiya ang Department of Interior and Local Government (DILG) unit para ipalaganap ang kamalayan ng publiko sa pag-iwas sa iligal na droga dahil na rin sa masamang epekto nito sa buhay at kinabukasan ng mga kabataang Pilipino.

 

 

Follow SMNI News on Twitter