Sapatos na gawa sa pinya at hindi nangangamoy, tampok sa telacon ng DOST-PTRI

Sapatos na gawa sa pinya at hindi nangangamoy, tampok sa telacon ng DOST-PTRI

SAPATOS na gawa sa pinya at hindi nangangamoy ang isa sa mga ibinida sa National Textile Convention.

Kung ikaw ay isang eco-conscious, tiyak na papatok sayo ang mga produktong ibinida sa National Textile Convention – Telacon ng Philippine Textile Research Institute (PTRI) ng Department of Science and Technology (DSOT).

Tulad na lamang ng mga sapatos na ito na may brand name na “Lakat” ng kompanyang Creative Definitions.

Hindi mo sukat akalain na ang mga likha nilang sapatos ay mula sa 100 posiyentong sustainable materials na pinaghalong pineapple at cotton fiber.

 “Sustainable product naman friendly sa environment. Wala siya masyadong polyster or ‘yung mga synthetics, so mas friendly. And number 1, importante sa lakat is 100% filipino-made. 99% of the materials are local,” ayon kay Michael Claparols, Co-Founder, Creative Definitions.

Gamit ang pasilidad ng DOST-PTRI, naproproduce ang mga materyales na ginagamit sa mga sapatos mula sa dahon ng pinya.

At bukod sa eco-friendly na ito, ang mga lakat shoes ay hindi rin nangangamoy ayon sa DOST-PTRI.

 “Dahil gumagamit siya ng 100% pinapple fiber na insole, it’s 99.99% anti-microbial. Wala po kaming ginawa doon sa pineapple fiber na iyon except to treat it. Pero nung tinest namin sa laboratory, aba anti-microbial kaya pala walang amoy. Wala siyang amoy and it’s giving you the cushioning pin of property na kailangan mo doon sa loob ng paa mo,” ayon kay Dr. Julius Leaño Jr., Director IV, DOST- PTRI.

Sa ngayon, dinisikubre na ng creative definitions ang paggamit ng iba pang local fabric sa kanilang mga sapatos.

Right now next material namin would be banana. Although possible rin ‘yung bamboo at abaca,” dagdag ni Claparols.

Paggamit ng local textile sa mga muwebles, tututukan ng DOST-PTRI

Bukod sa mga damit na yari sa kawayan, tampok din ang mga sustainable accessories gaya ng mga hikaw at necklace sa nasabing convention.

Mayroon ding mga bags na gawa sa local fabric.

Tinututukan na rin ng DOST-PNRI ang paggawa ng mga muwebles gamit ang mga local textile sa bansa na malaki ang potensiyal para sa pag-usbong ng ekonomiya.

“Imagine niyo po ilang hotel ang mayroon tayo sa Pilipinas? Ilang bintana ang kailangan mong bigyan ng kurtina? Ilang tables ang kailangan mong takpan? Ilang kobre-kama ang kailangan mo? Ilang carpets ang kailangan mo? And all of these form part of the home textile industry. Napakalaki po ‘nun,” wika ni.

DOST-PTRI, hinikayat ang pubilko na tangkilikin ang local textile sa bansa

Naniniwala ang DOST-PTRI na sa mga darating na panahon, mas lalago pa ang textile industry ng bansa.

Hinikayat naman ng ahensiya ang publiko na tangkilikin ang local textile materials ng Pilipinas.

“Remember textiles and clothing is still one of the three basic needs. So kailangan po natin ito. All the more that we produce and all that more we consume, natutulungan po din natin ang bansa natin na magkaroon ng economic activity,” ani Leaño.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble