Ika-7 bagong aircraft na A321neo ng Cebu Pacific, dumating na sa Pilipinas

Ika-7 bagong aircraft na A321neo ng Cebu Pacific, dumating na sa Pilipinas

LUMAPAG na sa Ninoy Aquino International Airport Terminal-3 ang bagong eroplano na A321neo ng Cebu Pacific mula hamburg Germany.

Sinabi ng Cebu Pacific na ito ang ika-pito nilang brand-new aircraft, na fuel-efficient A321neo.

Sinabi ni CEB President at Chief Commercial Officer Xander Lao na ang paghahatid ng sasakyang panghimpapawid na ito ay nagpapatibay sa pangako sa nilang pagbibigay ng ligtas, abot-kaya at accessible flights sa bawat Juan.

Inaasahan din ng CEB na sa pagdating ng mga bagong eroplano ay mas maraming pasahero ang tatangkilik sa serbisyo ng Cebu Pacific.

“This aircraft delivery reaffirms our commitment to providing safe, affordable, and accessible flights for every Juan. We look forward to carrying more passengers to their chosen destinations as we continue to expand not only our network, but also our fleet,” ayon kay Xander Lao, CEB President and Chief Commercial Officer CEB.

Ang Airbus NEOs ay ang latest-generation aircraft na gumagamit ng 15 percent less fuel sa bawat paglipad nito kumpara sa nakaraang henerasyon.

Ang pagbawas sa konsumo ng gasolina ay nakatutulong sa pagpapababa ng carbon emissions sa mga sasakyang panghimpapawid.

Nitong Martes ay kinumpirma ng CEB na nilagdaan nito ang Memorandum of Understanding (MOU) sa Airbus para sa pagbili ng hanggang 152 A321neo aircraft sa halagang USD $24 bilyon o katumbas ng PHP 1.4 trilyon.

Sinabi ng naturang Kumpanya na ito ang pinakamalaking order ng aircraft sa kasaysayan ng Philippine aviation.

Kasalukuyang lumilipad ang CEB sa 35 domestic at 25 international destination na kumalat sa buong Asia, Australia, at Middle East.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter