Sarawak gov’t mag-iisyu ng temporary documents sa mga stateless individual

Sarawak gov’t mag-iisyu ng temporary documents sa mga stateless individual

MAGBIBIGAY ang gobyerno ng Sarawak ng mga temporary documents sa mga stateless people na ipinanganak sa estado na wala pang 21 taong gulang.

Ayon kay State Women, Childhood and Community Wellbeing Development Minister Datuk Seri Fatimah Abdullah, mahalaga ang dokumento, lalo na sa mga bata upang magkaroon ang mga ito ng access sa edukasyon at mga health services.

Aniya, ang edukasyon ang pangunahing karapatan para sa bawat bata.

Ito rin aniya ang pamamaraan ng estado upang kilalanin ang bilang ng mga stateless individual.

Bukod pa rito, sinabi ni Datuk Fatimah na sa pamamagitan ng pag-iisyu ng mga temporary document ay malalaman ang bilang ng nag-aplay gayundin ang naghihintay ng pag-apruba nito.

Dagdag pa nito na ang kagawaran sa estado ay nakatanggap ng 60 na aplikasyon mula noong Nobyembre 1.

Ang mga aplikanteng hindi natukoy ang citizenship status ay kinakailangang nakarehistro sa Sarawak at nag-aplay para sa Malaysian citizenship sa ilalim ng Article 15A of the Federal Constitution.

Samantala, simula Disyembre ay magsagawa ng pagpaparehistro ang state ministry, sa pakikipagtulungan ng National Registration Department, district offices at iba pang ahensya sa ilang piling lokasyon.

 

 

Follow SMNI News on Twitter