Saya ng diwa ng Pasko ng OVP, nakarating sa Moises Padilla, Negros Occidental

Saya ng diwa ng Pasko ng OVP, nakarating sa Moises Padilla, Negros Occidental

NAKARATING sa bulubunduking bahagi ng Moises Padilla, Negros Occidental ang saya ng diwa ng Pasko.

Dala ng Office of the Vice President (OVP) ang grocery packs para sa mga kababayan sa Brgy. Inolingan ng makasaysayang bayan ng Moises Padilla, dating Magallon.

Pinagsusumikapan ng OVP na maabot ang iba’t ibang sektor ng ating lipunan, kabilang na ang mga kababayan sa malalayong parte ng bansa, at mabigyan sila ng tulong mula sa pamahalaan.

Ngayong Kapaskuhan, nais ni Vice President Sara Duterte na ibahagi ang mensahe ng pagmamahal, kapayapaan, at pag-asa sa mga Pilipino.

Ang pagdadala ng regalo sa Moises Padilla ay pinangunahan ng OVP Panay and Negros Islands Satellite Office nitong Disyembre 7.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble