Nakamamatay na coral disease, nananalasa sa Caribbean

Nakamamatay na coral disease, nananalasa sa Caribbean

ISANG virus sa mga coral ang mabilis na kumakalat ngayon sa Caribbean.

Tinatawag ang virus na ito na Stony Coral Tissue Loss Disease o SCTLD kung saan isa ito sa mga pinaka nakamamatay na sakit sa mga coral.

Mabilis kumalat sa mga coral at may hindi pangkaraniwang mortality rate ang naturang virus.

Dahil dito, mahigit 30 Species ng corals ang nanganganib.

Unang natukoy ang SCTLD sa Florida, USA noong 2014, natagpuan din ito sa Jamaica noong 2018, kasunod ay sa Mexican Caribbean, Sint Maarten, Bahamas, at iba pang mga bansa.

 

SMNI NEWS