INILATAG na ni Presidential Adviser on Poverty Alleviation Secretary Larry Gadon ang plano para labanan ang kahirapan sa bansa.
Ito ay matapos humupa ang isyu tungkol sa disbarment case sa Korte Suprema.
Sa isinagawang pulong balitaan sa lungsod ng Quezon, sinabi ni Gadon na hindi sapat ang short term solution na ipinatutupad ng pamahalaan para sa mga mahihirap na mamamayan.
Tulad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Tulong Panghanapbuhay sa Disadvantage at Displace Workers (TUPAD) ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Ayon kay Gadon ang kailangang ipatupad ngayon ng gobyerno ay long term solution upang maiangat ang kabuhayan ng mga mahihirap na mamamayan.
Inihayag ni Gadon na dapat gayahin ng Pilipinas ang sistema na ginamit ng China, Taiwan, Thailand, Cambodia at Vietnam na pinalakas ang Micro, Small, Medium Enterprises para makalikha ng trabaho at pagkakakitaan.