PCG, nagsagawa ng medical evacuation para sa isang Indian crew member

PCG, nagsagawa ng medical evacuation para sa isang Indian crew member

NAGSAGAWA ang Philippine Coast Guard (PCG) ng medical evacuation para sa isang Indian crew member ng MV Fomento Two sa Virac, Catanduanes kahapon, Hulyo 5, 2023.

Ayon sa PCG, aksidenteng naputol ng crew na nagtratrabaho bilang bosun ang kaniyang daliri na nagdulot ng labis na pagdurugo.

Sinabi ng PCG na galing Baoshan Port sa China ang Singaporean-registered bulk carrier, MV Fomento Two at patungo sa Port Hedland sa Australia nang mangyari ang aksidente.

Agad naman nakipag-ugnayan ang PCG sa master at local agent ng barko para magsagawa ng Medical Evacuation kasama ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).

Pagdating sa viral port, agad biniyahe ang sugatang Indian crew sa Catanduanes Doctors Hospital kung saan kinumpirma ng attending physician na ligtas ito ngunit kailangan ng operasyon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter