NAHULI sa isang entrapment operation ang isang security guard araw ng Martes sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Pre-Departure Orientation Seminar Room sa Mandaluyong City.
Pinangunahan ang operasyon ng Migrant Workers Protection Bureau at Mandaluyong City Police.
Ang pag-aresto sa nasabing security guard na si Wenceslao Villagracia ay kasunod ng reklamo ng dalawang babae mula sa Calaca, Batangas, na nag-apply bilang domestic helper direct hires sa Bahrain.
Ayon sa Department of Migrant Workers, humingi si Villagracia ng tatlumpu’t limang libong piso (P35,000) sa bawat isa sa mga biktima kapalit ng pagpapabilis ng pagkuha ng kanilang OWWA Pe-departure Orientation Seminar certificates.
Ito’y isang malinaw na kaso ng pangingikil at pag-abuso sa kapangyarihan.
Haharapin ni Villagracia ang mga kaso ng fixing sa ilalim ng Section 21(h) ng Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018 o Republic Act 11032, pati na rin estafa.
Follow SMNI News on Rumble