Self-driving cars, unti-unting sumisikat sa China

Self-driving cars, unti-unting sumisikat sa China

NAUUSO sa China ang mga sasakyang hindi kailangan ng drayber.

At hindi lang basta naka-auto pilot, mistulang may sariling utak ang kotse na gumagamit ng intelligent driving system.

At otomatik siyang nag-identify ng traffic signs.

Pati incoming na mga sasakyan, hi-tech talaga. Otomatik nagbi-break.

Ito ang Apollo self-driving cars na gawa ng Baidu-Intelligent Driving Group (IDG)— ang kompanyang nangunguna ngayon sa China sa larangan ng autonomous driving technologies.

Kaya nitong humarurot, mag-park at bumalik sa fleet mag-isa.

Ang presyo ng mga sasakyang ito ay kaparehas lamang ng mga ordinaryong sasakyan sa China.

Ayon sa Baidu-IDG, tumatakbo na sa kanilang bansa ang hi-tech units sa ilalim ng ride-hailing platform na Apollo Go.

Gumagana na ito sa mahigit 10 siyudad sa China kabilang na ang Beijing, Shanghai, Guangzhou, at Shenzhen.

Ang tanong, kaya ba ng mga sasakyang ito kahit umuulan?

Lalo na ginamitan ang mga ito ng lidar system.

 “I don’t think it’s a tough problem to operate during rainy days as long as it’s not heavy rain. If you’re having even human drivers it’s not safe. But now because it’s like still, I would like to say still it can’t reflect volume in trail in some regions in China for robotaxi operation so the regulation sometimes, the regulator sometimes don’t allow us to operate during rainy days,” ayon kay Elaine Yu, IDG Marketing Department.

Maaari naman kayang magkaroon ng mga ganitong sasakyan sa Pilipinas sa tulong ng pamahalaan?

Manufacturer ng self-driving cars, willing mag-expand sa Pilipinas

 “If you’re government is that interested please I can give them my card and they can contact us directly we can discuss that in detail.”

“So our technology can be adapt very quickly so it’s like if for us to expand in a new city it would only take 20 days to expand in new cities it doesn’t really require you to change so many things,” ayon kay Mengjing, Head of International Communications.

Mahigit sa 40,000 ang empleyado ng Baidu-IDG.

Habang nasa 100-B RMB naman ang budget ng private company para sa research and development.

Giniit naman ng kompanya na magpapatuloy ang kanilang research and development para pagandahin pang lalo ang teknolohiya ng kanilang mga self-driving car para pagaanin ang buhay ng kanilang mga mamamayan sa China.

Follow SMNI NEWS in Twitter