Sen. Alan Peter Cayetano: Game-changer ang e-governance para sa Pilipinas

Sen. Alan Peter Cayetano: Game-changer ang e-governance para sa Pilipinas

BUO ang paniniwala ni Senator Alan Peter Cayetano na ang e-governance ay maaaring maging ‘game-changer’ sa Pilipinas, ngunit sinabi nitong dapat magtulungan ang publiko at pribadong sektor upang ganap itong maipatutupad sa bansa.

Sinabi ni Cayetano na sa pagdinig ng komite ngayong araw, itutulak ang usapin ng pag-modernize ng digital infrastructure ng bansa “to ensure that all Filipinos have access to affordable, quality, secure, and up-to-date information and communication technologies”.

Kabilang dito aniya, kung paano magtutulungan ang gobyerno at pribadong sektor upang matiyak na mayroong maaasahan at abot-kayang broadband internet service para sa lahat, at ang mga device na may internet-enabled ay mabibili sa abot-kayang presyo.

Ayon kay Cayetano, malaki ang maitutulong ng accessible at abot-kayang internet sa pag-‘level up’ ng playing field lalo na para sa mga Pilipinong naninirahan sa malalayong lugar.

Follow SMNI NEWS in Twitter