INIHAIN ni Sen. Sonny Angara ang panukalang magiging daan upang maisabatas ang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Malaking tulong ang hatid ng AICS program dahil ito ang nagbibigay ng agarang ayuda sa mga nangangailangan ayon sa senador.
Saklaw ng AICS program ang financial, medical, transportation, food, at material assistance.
Kabilang din dito ang disability support services, psychosocial support o intervention para sa dysfunctional families.
Maging ang mga kabataan na kailangan ng trauma care and management at legal consultation ay kasama rito.
Sa ngayon, ang Oriental Mindoro na apektado ng oil spill ay nakabebenepisyo ng ayuda mula sa AICS program.