Sen. Bato nalungkot na ‘di na napagkakatiwalaan ang mga pulis sa Davao City

Sen. Bato nalungkot na ‘di na napagkakatiwalaan ang mga pulis sa Davao City

NAGPAHAYAG ng pagkalungkot si dating PNP Chief Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na nawalan na ng tiwala ang mga taga-Davao sa mga pulis.

Ito ay kasunod sa ginawang operasyon sa pagpapatupad ng arrest warrant laban kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Founding Leader Pastor Apollo Quiboloy.

Isiniwalat ng isa sa mga miyembro ng KOJC na si Carlo Catiil nang pilit aniya na pinasok ang gate nila habang nagdadasal kasama ang kanilang pamilya.

Dahil sa ginawa na ito ng mga pulis, agad silang tumakbo at tinanong ang mga pulis na baka maaring antayin muna ang kanilang abogado, subalit hindi nakinig ang mga pulis na naging sanhi para magkaroon ng trauma ang mga bata at kababaihan na andun din sa lugar.

Iginiit pa ngayon ni Catiil na kapag nagsasagawa ng checkpoint ang mga pulis sa harap ng kanilang compound, natatakot at umiiyak ang mga bata kapag may makita na nakauniporme na pulis at kapag may marinig na wang wang.

Nalungkot si Dela Rosa dahil noon nagsasagawa sila ng checkpoint, natutuwa ang mga taga-Davao City at binibigyan sila ng pagkain at tubig.

Hiniling ni Bato kay PNP Chief Police Director General Rommel Francisco Marbil na ibalik ang tiwala ng pulis sa Davao dahil ang hinahanap nila ay limang tao lamang kabilang si Pastor Quiboloy kung kaya’t ‘wag sana idamay ang mga inosenteng sibilyan o miyembro ng KOJC.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble