NANINIWALA si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na nagpapapansin lang si dating Sen. Antonio Trillanes IV.
Kasunod ito sa sinabi ni Trillanes na mayroong mga aktibo at dating opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang mayroong plano na patalsikin si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Sa pahayag pa nito, grupo ng Davao Police kasama na ang isa pang retired PNP Chief ang sangkot sa umano’y destabilization plot.
Sinabi ni Sen. Bato, baka mabugbog pa si Trillanes sa sinasabi niyang sangkot dito na dating PNP Chief.