Sen. Bato, Padilla naniniwalang hindi pa nakakalabas ng Bilibid ang nawawalang preso

Sen. Bato, Padilla naniniwalang hindi pa nakakalabas ng Bilibid ang nawawalang preso

NANINIWALA si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa at Senator Robinhood “Robin” Padilla na hindi pa nakakalabas ng Bilibid ang nawawalang preso.

Kinuwestiyon ng mga senador si Bureau of Corrections General Gregorio Catapang, Jr. kaugnay sa persons deprived of liberty (PDL) na nawawala noon pang buwan ng Hulyo na si Michael Cataroja.

Ayon kay Catapang, malakas ang kaniyang kutob na nakatakas ang nasabing PDL.

“Carnapper po sya eh so may chance na nakalusot … akala po nya nabasura na po sya,” pahayag ni Dir. Gen. Gregorio Catapang Jr., Bureau of Corrections.

Ang pahayag ni Catapang ay ikinaalarma ni Sen. Bato Dela Rosa.

Ipinagtataka ni Dela Rosa kung papaano nawala o nakatakas sa Maximum Security Compound si Cataroja.

“Kung si Cataroja ay nakalayas, this is Maximum Security Compound… trucks delivering inside and out,” saad ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa.

Depensa ni Catapang, ang NBP Superintendent aniya ang dapat managot sa pangyayari, ngunit sa kanya lamang bumabagsak ang problema dahil sa malapit lamang ang kaniyang opisina.

“Ang lahat ng problema dito sa akin po binabato … lahat ng problema napupunta sa akin,” dagdag ni Catapang.

Dito ipinunto ni Dela Rosa na dapat may pakialam dito si Catapang dahil bahagi aniya ito ng kaniyang command responsibility.

“Hindi naman siguro kayo kailangan i-remind regarding command responsibility di ba? … mawalan tayo ng PDL,”  ayon pa kay Dela Rosa.

Kahit si Senator Robin Padilla na dating nakulong sa Bilibid ay hindi rin makapaniwala sa paliwanag na nakatakas si Cataroja.

“Mayroon talagang nabubuyon, talagang alam naman natin yan…. matakasan kayo ng bilanggo sa Maximum,” wika ni Sen. Robinhood Padilla.

Nagpaliwanag din ang mga gang leaders sa Bilibid na kanila nang ginagawa ang lahat para mahanap ang nawawalang preso.

Ang pagkawala ni Cataroja ay unang inanunsiyo ng kasisibak lamang na si dating BuCor Superintendent Angie Bautista.

Una na ring sinabi ni Justice Secretary Crispin Remulla na natagpuan na ang putol-putol na katawan ni Cataroja sa isang septic tank sa NBP, pero kaniya naman itong binawi at sinabi na biktima lamang siya ng fake news.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble