Sen. Bong Go, iginiit ang papel ng relihiyon at pamilya sa paghubog ng kabataan

Sen. Bong Go, iginiit ang papel ng relihiyon at pamilya sa paghubog ng kabataan

IDINIIN ni Sen. Bong Go ang kahalagahan ng pagrespeto sa papel ng religious institutions at pamilya sa paghubog ng values at edukasyon ng bata.

“Bilang isang mambabatas, palagi kong binibigyan ng halaga ang paniniwala, relihiyon, at kultura ng bawat Pilipino. Ito ay dapat irespeto sa bawat polisiya na isinusulong. Hindi ako sang-ayon sa anumang panukala na makakasira sa halaga ng pamilya, salungat sa pananampalataya, at salungat sa ating mga kababayan.

Pagdating sa paghubog ng kabataan, bigyan dapat ng importansya ang papel ng pamilya. Huwag idikta kung ano ang ituturo sa mga bata,” ayon kay Sen. Bong Go.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble