IPINAGTANGGOL ni Sen. Christopher “Bong” Go si Olympic pole vaulter EJ Obiena sa akusasyon na gumagamit ito ng performance enhancing substance.
Ayon kay Go, chairman ng Senate Committee on Sports, handa nitong suportahan at protektahan ang integridad ng lahat ng Filipino athletes.
Ang pahayag ni Go ay kasunod ng akusasyon ng asawa ng isang French pole vaulter na gumagamit ng performance enhancing substance si Obiena.
Naniniwala si Go na isang professional world-class athlete si Obiena na sumusunod sa standards at polisiya ng world sports.
Giit pa ng senador na hindi dapat bigyang-halaga ang mga walang basehang akusasyon.