NIRERESPETO ni Senator Christopher “Bong” Go ang naging panawagan ng Department of Interior and Local Government (DILG) na magsumite ng courtesy resignation ang mga pulis kaugnay sa isyu ng iligal na droga.
Ayon kay Sen. Bong Go, bagamat hindi pa tapos ang kampanya laban sa iligal na droga ay naniniwala siya na marami pa rin ang mga matitino sa hanay ng kapulisan.
Binanggit din ng senador ang rason kung bakit tinaasan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang sahod ng kapulisan, ito’y upang hindi malinlang at pumanig sa mga iligal na gawain.
Binigyang-diin din ng senador na dapat suriin nang mabuti ang nasabing isyu upang maihiwalay ang mga bulok at tiwaling pulis at para hindi madamay at mahawa ang mga matitinong alagad ng batas.