Sen. Bong Go sa gobyerno: Tulungan ang mga lubhang naapektuhan ng pandemya

Sen. Bong Go sa gobyerno: Tulungan ang mga lubhang naapektuhan ng pandemya

NAMAHAGI ang outreach team ni Sen. Christopher ‘Bong’ Go ng tulong kasama ang mga opisyal ng munisipyo ng Leon, Iloilo, na sina Congressman Mike Gorriceta at Mayor Virgilio Teruel sa mga manggagawa ng Leon na nawalan ng hanapbuhay dulot ng pandemya.

Pakiusap ni Sen. Go sa kapwa nito lingkod bayan na maging pokus sa pagbibigay ng trabaho sa mga kababayan lalo na ang walang-wala at lubhang naapektuhan ng pandemya ang mga kabuhayan.

“Nakikiusap po ako sa kapwa ko lingkod bayan na focus tayo sa pagbibigay ng trabaho sa ating mga kababayan. Lalo na po ‘yung mga walang-wala at malubhang naapektuhan ng pandemya,” ayon kay Sen. “Bong” Go.

Nasa 180 na benepisyaro sa Leon, Iloilo ang muling nakatanggap ng tulong mula sa senador nitong Martes ng Nobyembre 14 na ginanap sa Brgy. Talacu-An Covered Gymnasium.

Maliban sa tulong-pinansiyal mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) ay nakatanggap din ang mga ito ng pansamantalang trabaho sa pamamagitan ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) programa ng ahensiya para sa mga displaced worker, underemployed, at seasonal laborers gayundin ng t-shirt, vitamins, pagkain at bola ng basketball at volleyball para naman sa mga piling indibidwal.

Bilang Chairperson of the Senate Committee on Health and Demography, hinihikayat nito ang mga may problema sa kalusugan na magtungo sa Malasakit Center ng lalawigan na matatagpuan sa West Visayas State University Medical Center, Western Visayas Medical Center, Don Jose S. Monfort Medical Center Extension Hospital sa Barotac Nuevo, Western Visayas Sanitarium, at General Hospital sa Santa Barbara.

Follow SMNI NEWS on Twitter