Sen. Bong Go, suportado ang paggamit ng idle lands na pag-aari ng gobyerno at penal colonies

Sen. Bong Go, suportado ang paggamit ng idle lands na pag-aari ng gobyerno at penal colonies

NAGPAHAYAG ng suporta si Senator Christopher “Bong” Go sa paggamit ng mga idle lands na pag-aari ng gobyerno, penal colonies bilang agricultural areas para mapabuti ang produksyon ng pagkain at isulong ang food sufficiency sa Pilipinas.

Sinabi ni Go na ang pag-convert ng mga idle government lands sa mga agricultural areas ay magtataguyod ng food security at magpapalakas ng food production sa bansa.

Ayon kay Go, kung malawak naman at ilang ektarya ang area nila, bakit hindi, kung mapapakinabangan at gagamitin ng mga magsasaka.

Samantala ginawa ni Go ang pahayag bilang positibong tugon niya sa mga plano ng gobyerno na gawing food production center ang Bureau of Corrections (BuCor), at iba pang regional prisons at penal farms.

Follow SMNI NEWS in Twitter