NIYANIG ng magnitude 6.4 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental kaninang alas kwatro a-dos ng madaling araw.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), tectonic ang pinagmulan ng pagyanig at may lalim itong 139 kilometro.
Naramdaman ang Intensity II ng lindol sa Palimbang, Sulatan Kudarat; Glan at Kiamba sa Sarangani at sa Tupi sa South Cotabato.
Kabilang sa mga lugar na naramdaman naman ang Intensity I ang Don Marcelino sa Davao Occidental; Maitum at Malapatan sa Sarangani; at sa mga syudad ng Koronadal at General Santos sa South Cotabato.
Wala namang inaasahang aftershocks sa naturang pagyanig.