Sen. Cayetano pinayuhan ang mga opisyal ng DA na magsipag

Sen. Cayetano pinayuhan ang mga opisyal ng DA na magsipag

HINIKAYAT ni Senator Alan Peter Cayetano ang Department of Agriculture (DA) na magpatupad ng mas maagap na mga hakbang upang malutas ang kalagayan ng agrikultura sa Pilipinas.

Ito ay sa gitna ng kasalukuyang mataas ng presyo ng bigas sa kabila ng ipinatupad na price cap ng Malacañang.

Pinuri ng independent senator si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa taos-puso nitong gawain bilang DA Secretary na naglalayong mapabuti ang sitwasyon ng pagkain sa bansa, ngunit ipinunto niya na hindi dapat iasa sa kaniya ng mga opisyal ng DA ang mga solusyon sa mga suliranin sa sektor na ito.

Sinabi niya na kinakailangan ng DA na magsagawa ng “full staff work” at suriin ang maraming opsiyon upang malutas ang mga problema.

Hinimok niya ang DA na mag-isip ng pangmatagalang solusyon upang ma-stabilisa ang presyo ng pagkain, at binigyang-diin na hindi malulutas ng mga pansamantalang hakbang ang mga ugat ng problema.

Isa sa mga nakikita niyang hakbang ay ang pagkuha ng tulong mula sa mga bansa tulad ng Japan at China, kung saan may cultural significance ang bigas, upang bumuo ng rice sufficiency roadmap para sa Pilipinas.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble