Sen. Cynthia Villar, kumpiyansa sa food security dahil sa training sa Villar Farm schools

Sen. Cynthia Villar, kumpiyansa sa food security dahil sa training sa Villar Farm schools

NANINIWALA si Senator Cynthia Villar na nakatutulong sa food security ang training ng mga magsasaka sa Villar Farm schools sa buong bansa samantalang nagagalak siya sa pagdami ng lumalahok dito.

Ipinahayag ng chairperson ng Senate Committee on Agriculture and Food, na dumarami ang kumukuha ng libreng training sa Villar Farm Schools.

Nakatutulong ang training sa paglawak sa agricultural sector ng bansa kasabay ng pagbibigay kaalaman sa stakeholders upang paigtingin ang productivity at madagdagan ang kanila kinikita.

Sa “Training of Trainers on Agricrop Production,” kasama ang East West Seeds Foundation na idinaos sa Villar Farm School sa Las Piñas-Bacoor, tiniyak ng senador na patuloy silang magtuturo sa mga Filipino kung paano magtanim ng gulay sa kanilang bakuran o sakahan.

“This is a way to afford everybody an opportunity to produce their own nutritious food. This is also a means to augment the income of farmers and help reduce their daily expenses on food,” giit ni Villar.

“The training has different modules of vegetable production from basic planting and care of vegetables to land preparation, seed selection, soil nutrient and management and care and maintenance of planted vegetables,” dagdag pa niya.

Kabilang din dito ang identification at management ng mga insekto at peste hanggang sa pag-ani at post-harvesting, handling, selling at marketing ng mga inaning gulay.

Pakatapos ng apat na araw na training, sinabi ni Villar na tatanggap ang mga lumahok ng “Certificate of Completion.”

Ang mga lumahok sa training ay magkakaroon ng pagkakataong maibahagi ang kanilang  natutunan at i-apply sa kanilang sariling farm schools.

Ang Villar Sipag ay may apat na farm schools sa buong bansa. Binuksan noong 2015 ang unang farm school na nasa Las Piñas at Bacoor, Cavite katabi ng Molino Dam.

Ang tatlo pang farm schools ay nasa San Jose del Monte City, Bulacan na nabuksan noong 2016, sa San Miguel, Iloilo at sa Buhangin District, Davao City.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble