Sen. Cynthia Villar, pinayuhan ang Antique grads na maging matatag gaya ng kawayan

Sen. Cynthia Villar, pinayuhan ang Antique grads na maging matatag gaya ng kawayan

INIHAYAG ni Senator Cynthia Villar na “fitting representation” upang maging pangunahing institusyon sa bamboo technology ang temang “BAMbUhAy! (Bago, Angat, at Makabuluhang bUhAy!),” ng University of Antique sa ika-71st Commencement Exercises nito.

Binigyan diin ni Villar na naayon ang layuning ito sa local heritage ng Antique. “As we know, bamboo symbolizes strength, flexibility, and growth. Just like bamboos, invest in nurturing your inner selves, cultivating resilience, and never fearing the occasional bend. Ultimately, you will return to your original form, stronger than ever before,” sabi ni Villar sa mga nagsipagtapos.

“Embrace the challenges with courage, face the unknown with determination, and let your passion be the driving factor to help you achieve things,” paalala rin niya sa mga ito.

Habang naghahanda kayo sa panibagong paglalakbay, sinabi ng chairperson ng Senate Committee on Agriculture na may sandata at kaalaman sila upang magkaroon ng positive impact sa mundo.

Kagaya ng Antique, mahalaga rin ang kawayan sa kanyang hometown na Las Piñas. “If there’s one thing that is unique about Las Piñas, my hometown, it is the Bamboo Organ, which is considered a Philippine National Treasure. It is the only 19th century Bamboo Organ in the Philippines that has survived and is still functioning,” ayon kay Villar. Binanggit din niya ang kanyang patuloy na pagsusulong at suporta sa industriya ng kawayan.

May mga gawain din siya para sa kawayan. isa rito ang pangangalaga sa bamboo plantations na sinumulan niya sa tabi ng dalawang ilog sa Las Pinas.

Itinataguyod din niya ang konserbasyon ng 2 Bambusetums na nagsisilbi ring parke at nagbibigay kaalaman sa mahigit 70 klase ng kawayan.

Suportado rin niya ang Las Piñas parol makers na kawayan ang gamit bilang frames.

Ini-isponsor din ng kanyang Villar SIPAG Farm School ang mga kurso sa bamboo propagation, nursery plantation management kasama ang TESDA.

“In the Senate, I principally authored Senate Bill No. 615 or the Philippine Bamboo Industry Development Act of 2022, which seeks to institutionalize bamboo industry development in our country. This aims to make the Philippine bamboo industry competitive in the local and international markets while providing opportunities for local employment and establishing bamboo-based community enterprises, “ sabi pa ni Villar.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter