NAKAHANDANG mag-alay ng kaniyang buhay si dating Philippine National Police (PNP) chief at ngayo’y Sen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa sa laban ng pamahalaan kontra ilegal na droga.
Sa katunayan, handa siyang magpabitay dahil sa pagtatanggol nito sa kampanya ng gobyerno laban sa ipinagbabawal na gamot.
Ginawa ng senador ang pahayag matapos itong magsilbing guest of honor and speaker sa 2023 Anti-Drug Abuse Council Performance Awards ng Department of Interior and Local Government (DILG) na ginanap sa Quezon City.
Matatandaang, aktibo ang senador sa pakikipaglaban nito sa ilegal na droga nang manilbihan ito bilang PNP chief sa ilalim ng Duterte administration.