IKINALUNGKOT ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na pumayag lang din ang Department of Education (DepEd) na mabili ang umano’y overpriced laptops na kinukwestiyon ngayon sa Senado.
Sa kabila ito ng pagkakaroon ng approved budget cost at target number ng beneficiaries para sa naturang laptops.
Binigyang-diin ni Dela Rosa na wala siyang hinuhusgahan sa pagitan ng DepEd at ng procurement service ng Department of Budget and Management subalit may mga bagay lang din talaga na kwestiyunable.
Samantala, pabor ang senador na buwagin ang PS-DBM upang walang mapaglagakan ng pondo ang mga ahensya.
Maganda naman sana ang purpose ng PS-DBM basta’t walang isyu ng overpricing at korupsyon.