Sen. Bato dela Rosa, paiimbestigahan si Raoul Manuel

Sen. Bato dela Rosa, paiimbestigahan si Raoul Manuel

PAIIMBESTIGAHAN ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa si Kabataan Party-list Rep. Raoul Manuel.

Kasunod ito sa mga natanggap na impormasyon ng senador mula sa dating mga rebelde na mismong si Manuel ang responsable sa pangre-recruit ng mga kabataan para sa CPP-NPA-NDF.

Ayon kay Dela Rosa, bumibisita mismo si Manuel sa mga kampo para ipakita ang kaniyang membership sa mga bagong recruit.

Kung mapatunayan ay mahaharap si Manuel sa paglabag ng mga batas sa bansa partikular na ang Anti-Terrorism Act.

Samantala, hinggil sa posibleng panghihimasok ng International Criminal Court (ICC) sa drug war campaign ng Duterte admin, sinabi ni Dela Rosa na handang-handa siyang harapin ang anumang imbestigasyon lalo na’t siya ang namuno sa Philippine National Police nang ipinatupad ito.

Binigyang-diin lang ni Sen. Dela Rosa na wala siyang ikinakatakot hinggil sa isyu sabay ang paniniwala na malulusutan niya ang magiging imbestigasyon sakaling makapasok sa bansa ang ICC.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble