HINIHIKAYAT ni Senator Sherwin Gatchalian ang bansa na bilisan ang installation ng libreng WiFi sa lahat ng public schools sa bansa.
Ito ang layunin ng inihain niyang Senate Bill No. 383 (Digital Transformation in Basic Education Act).
Aniya, 1.8% o katumbas lang ng 860 sa 47, 421 na state-funded institutions ang mayroong libreng WiFi simula nang maisabatas ang Free Internet Access in Public Places Act (RA No. 10929) noong August 2017.
Nakasaad sa inihaing panukala ni Gatchalian na tukuyin na ng National Telecommunications Commission ang mga lokasyon para sa konstruksyon ng telecommunications tower sites.