NAIS ni Sen. Sherwin Gatchalian na makadalo sa susunod na Senate hearing ang itinuturong ‘big boss’ ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na si Lin Xunhan.
Naniniwala ang senador na maraming maisisiwalat si Lin o mas kilala bilang ‘Lyu Dong’, ‘Boss Boga’, ‘Boss Apao’, at ‘Boss Bahaw’ lalo na sa nagiging role ni Guo Hua Ping o Alice Guo sa operasyon ng POGO lalo na sa Bamban, Tarlac.
Nauna nang sinabi ng mga kasama ni Lin na nakikita nila ang dating alkalde ng Bamban na may transaksiyon sa kanilang boss.
Kilala rin nila ito bilang ‘Madam Wah’.
Samantala, naaresto si Lin gabi ng Oktubre 10, 2024 sa isang subdivision sa Laguna.