Sen. Gatchalian, naniniwalang maisasabatas na ang mandatory ROTC Bill

Sen. Gatchalian, naniniwalang maisasabatas na ang mandatory ROTC Bill

NANINIWALA si Senator Sherwin Gatchalian na tuluyan nang maisabatas ang panukalang mandatory Reserve Officers Training Corps (ROTC) program.

Kasunod ito sa inilabas ng Pulse Asia Survey na 8 sa 10 Pilipino ang pabor sa ROTC sa kolehiyo.

Mula dito, 71% ay naniniwalang matututo ang kabataan ng disiplina at responsibilidad dahil sa ROTC, 60% ang naniniwalang mas naihahanda nito ang mga kabataang ipagtanggol ang bansa.

Habang 59% ay makatutulong ito para mahasa ang kakayahan ng mga kabataan bilang mga lider.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter