NASA 10 priority bills ng administrasyong Marcos ang target na maipasa ng Kongreso bago ang Hunyo 2, 2023.
Ayon sa Presidential Communication Office (PCO), kabilang sa priority measures na ipapasa sa pagtatapos ng first regular session ay ang amendments to the Build-Operate-Transfer (BOT) Law/Public-Private Partnership (PPP) Bill, Medical Reserve Corps, Philippine Center for Disease Prevention and Control, Creation of the Virology Institute of the Philippines, at Mandatory Reserve Officers Training Corps (ROTC) and National Service Training Program (NSTP).
Kasama rin sa listahan ang Condonation of Unpaid Amortization and Interests of Loans of Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs), Internet Transactions Act/E-Commerce Law, Maharlika Bill, Attrition Law /AFP Fixed Term at ang Salt Industry Development Bill.
Nauna nang binanggit ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang mga priority bill sa kanyang 2022 State of the Nation Address (SONA), na mahalaga sa pagpapatupad ng mga plano at programa ng administrasyon para sa bansa, partikular ang 8-point socioeconomic agenda.