MULING ipinaalala ni Senator Christopher “Bong” Go ang kahalagahan sa pagpasa ng Department of Disaster Resilience (DDR) sa bansa.
Bunsod ito sa pananalasa ni bagyong Odette kamakailan.
Ayon kay Go, mas maganda umanong maipasa na ito para sa mas mabilis at proactive response sa mga kalamidad at iba bang sakuna gaya ng bagyo.
Mababatid na ang Department of Disaster Resilience ay magpopokus sa tatlong key result areas.
Ito ang Disaster Risk Reduction, Disaster Preparedness and Response at Recovery.
Samantala, ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang bilyong piso na calamity fund para sa apektadong Local Government Units ng bagyong Odette.