Senator Bong Go, hindi inirirekomenda ang lockdown kahit may Omicron

HINDI inirirekomenda ni Senator Christopher Bong Go ang lockdown kahit may Omicron variant.

Aniya sayang ang pinaghirapan ng pamahalaan na maibaba ang kaso ng COVID-19.

Sa katunayan, dalawa na ang naitalang kaso nito sa Pilipinas na patuloy namang binabantayan ng Department of Health.

Giit ng senador, nasasayangan ito sa pagsisikap ng pamahalaan na maibaba ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Bilang pinuno ng Health Committee sa senado, pinapayuhan nito ang publiko na mag-ingat, sumunod pa rin sa ipinatutupad na minimum health protocol laban sa COVID-19.

Bukod dito, hinimok din ng senador ang lahat na magpabakuna para maiwasan na mahawaan ng nakamamatay na sakit na ito.

Sa huli umaasa ang senador na magkakaroon ng sapat na pag-aaral ang pamahalaan na maprotektahan ang kalusugan ng nakararami ngunit hindi nasasakripisyo ang kasiyahan ng publiko na makalabas ng tahanan at makapamasyal .

Batid ng senador ang naging paghihirap ng maraming Pilipino habang nasa mga tahanan at pinagbabawalang makalabas dahil sa lockdown at sa mataas na kaso ng COVID-19.

SMNI NEWS