KINUMPIRMA ng presidential sister at Sen. Imee Marcos na nagkausap na sila ni Davao City Mayor Sebastian ‘Baste’ Duterte.
Sa Facebook post ni Sen. Imee, sinabi nitong okay na sila ni Mayor Baste pero hindi aniya nito ikukuwento kung ano ang kanilang napag-usapan.
Dahilan ng senadora, sa kaguluhan aniya ngayon ay napakadaling baliin at bigyan ng maling kahulugan.
Ipinunto pa ni Sen. Imee na parang may gustong pag-awayin sila.
Matatandaan na naging kontrobersiyal ang panawagan ni Mayor Baste kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na magbitiw na sa puwesto kung wala itong pagmamahal sa bansa.
Nangyari ito noong Enero 28, 2024 sa isinagawang prayer rally sa Davao City.