Sen. Imee, iginiit na dapat kontrolin ang AI bago pa mahuli ang lahat

Sen. Imee, iginiit na dapat kontrolin ang AI bago pa mahuli ang lahat

BAGO pa muling buksan ang sesyon ng Senado, naghain na ng resolusyon si Senator Imee Marcos para busisiin sa Senado ang paggamit ng artificial intelligence (AI) at ang posibleng pag-eechapwera sa mga manggagawa sa services and manufacturing sector.

Nababahala si Sen. Marcos, chairman ng Senate Committee on Social Justice, Welfare, and Rural Development, sa napipintong pagkawala ng mga trabaho partikular na sa business process outsourcing (BPO) at mga orihinal na equipment manufacturing (OEM) na kompanya dahil sa AI.

Ani Marcos, ang AI ay umuunlad nang mas mabilis kaysa inaakala ng karamihan na posibleng magdulot ng mga kawalan ng trabaho at maging kabaligtaran ng paglago nito.

Sa Senate Resolution No. 591, isinasaad dito ang nakababahalang prediksiyon na tinatayang nasa 1.1 milyong mga trabaho sa Pilipinas ang malulusaw o mawawala pagsapit ng 2028 batay pag-aaral ng Oxford Economics at U.S. based digital technology company na Cisco.

Binigyang-diin ni Marcos na dapat madaliin ang pagbibigay kaalaman sa mga mambabatas hinggil sa global development ng AI technology sa pamamagitan ng Senate inquiry, at kinakailangang kaharapin ito pareho ng lehislatibo at ehekutibo na isang hindi maiiwasang tsunami ng teknolohiya.

Follow SMNI NEWS in Twitter