Sen. Imee: Kinuwestiyon ang special retirement benefits para sa Ombudsman officials

Sen. Imee: Kinuwestiyon ang special retirement benefits para sa Ombudsman officials

Kinuwestiyon ni Sen. Imee Marcos ang probisyon sa panukalang 2027 budget na magbibigay ng special retirement benefits sa matataas na opisyal ng Office of the Ombudsman, dahil posibleng baguhin nito ang umiiral na batas sa pamamagitan lamang ng General Appropriations Act (GAA).

‎‎Sa plenary deliberations ng Senado, tinutulan ni Marcos ang probisyong magbibigay-daan sa Ombudsman, Deputy Ombudsmen, at Special Prosecutor na maging kwalipikado sa retirement benefits matapos ang dalawang taong panunungkulan, basta mayroon silang hindi bababa sa pitong taong serbisyo sa gobyerno.

‎‎Ayon kay Marcos, taliwas ito sa Republic Act 11059 o Retirement Law of the Office of the Ombudsman.

‎‎Nakasaad dito na dapat makumpleto ng mga naturang opisyal ang kanilang pitong taong termino upang maging kwalipikado sa retirement benefits.

‎‎Giit ng senadora, hindi dapat binabago ang isang umiiral na batas sa pamamagitan lamang ng taunang budget measure, kundi sa pamamagitan ng regular na proseso ng paggawa ng batas.

‎Pinaliwanag ni Senate Finance Committee Chair JV Ejercito na rekomendasyon mismo ng Ombudsman ang naturang probisyon upang magkaroon ng flexibility sa pagkuha ng mas batang mga opisyal na may kakayahan, integridad, at determinasyong palakasin ang kampanya laban sa korapsiyon.

‎‎Matapos ang pagkwestiyon ni Marcos, nangako si Ejercito na muling tatalakayin ang probisyon at magsasagawa ng karagdagang konsultasyon bago magmungkahi ng amendments.

‎‎Welcome naman ito kay Marcos na nagpahayag ng kahandaang tumulong sa pagrebisa ng probisyon o kaya ay magsulong ng hiwalay na panukalang batas para matugunan ang retirement requirements.

Follow SMNI NEWS in Twitter